♪♫ Monday, September 06, 2004 ♫♪
© meredith's soul got squeezed at 17:48 ©

i love sbarro






yes, i love sbarro. i want more baked ziti!!! plus lots of parmesan... gusto ko pa kumain... medyo matagal na mula noong last kaming kumain sa sbarro ng blockmates ko. at ang weird k'se may pinatugtog na isang song na ndi ko maintindihan kung bakit kailangan ko marinig k'se may naaalala ako. naaalala ko rin na minsan pagpasok namin ni elaine ng school ay narinig ko ang song na ito. mga 6:50 am pa lang, kaya weird k'se may nagvi-videoke sa kapitbahay at un ang kinakanta. of all the songs naman, ta's ang aga-aga pa lang at kailangan un pa ang marinig paglabas ng dorm. inaasar yata ako ng tadhana. do i believe in signs? i don't know. ewan... anyway, gusto ko pa nga kumain ng ziti. =)

oh well, nakakainis k'se ndi binigay ung quiz namin noong morning ta's noong hapon lang binigay, na-mix up ko tuloy ung naaral ko na na acetylcholinesterase sa phosphodiesterase na na-mention lang sa lecture kanina kaya ang sagot ko sa quiz ay acetylcholinediesterase. sayang tuloy. haha. okay na rin at least dalawa lang mali ko. someday, i'll master the art of picking out those terms which our prof would most likely ask. kumokonti na mga mali ko. malapit na. hehe. =)

ta's nilayasan namin ang hum 1 prof. k'se naman, laging late. ta's ndi naman nag-text na hintayin siya. dumaan pa kami sa likod na stairs para ndi namin siya masalubong if ever. last time k'se noong palabas na ako ay parating na siya. hehe. =) sana next time, maaga na siya dumating para ndi na kami kailangan manghula kung darating siya...

ayun, gotta do something. kahit ano para mabawasan ang toxicity. next up: physics 51 lec exam on saturday. at wala pa akong alam. pero at least may notes ako. hehe. =)


leave an orange... ::


♪♫ Sunday, September 05, 2004 ♫♪
© meredith's soul got squeezed at 22:01 ©

try this


haha medyo luma na yata ito pero nakakaaliw lang. =)

1. relax & concentrate on the 4 small dots in the middle of the picture for about 30-40 seconds.
2. then, take a look at a wall near you.
3. you will see a circle of light developing.
4. blink your eyes a couple of times & you will see a figure emerging...



leave an orange... ::

ETHEReal?


bakit ETHEReal? haha, impluwensiya ng organic chemistry!!! yup, ang favorite subject ko... joke lang! =) i'm happy k'se pumasa ako kahit 62 lang, akala ko k'se bumagsak na ako. ang ganda nga ng scores ko dito eh: 66, 54, 62! haha, okay na rin. kailangan ko lang maka-at least 40 dun sa last para ndi na ako mag-finals. ayoko nga ulitin ito mula sa simula! hell un! hehe. =)

i'm supposed to be working on our lab report right now. actually, ginagawa ko nga siya ngayon. weird experiment on effect of stress hormones on frogs. ung isang frog moist lang ta's ung isa ide-dehydrate. kaya ayun, pinunasan at pinaypayan namin nila monette at val haha. tapos itatapat sa microscope ang isang webbed foot ng bawat frog para tignan ung melanophore index niya pati ung changes. hehe. salamat kay master julian para sa libreng epinephrine. =) ayun, kailangan ko na gumawa para mai-share ang answers kay gideon mamaya. this is the hogben-slome melanophore index hehe. =)



ayan, ito ang aking bagong blog. simple na lang ang layout k'se ndi ko na alam ang gagawin. sana, mas madalas na ako makapagsulat ngayon dito para kunwari ndi ako toxic. haha. =)

here's a picture of val, me, & dianne noong naka-black kaming tatlo. wala lang! =)



leave an orange... ::

the squeezed soul

squeeze board

squeeze schedule

squeeze 'em!

want a squeeze?

TDStats.com - Hit Counter & Website Statistics
liters of orange juice squeezed

squeezed by