♪♫ Wednesday, August 03, 2005 ♫♪
meredith's soul got squeezed at 20:02

cheese...


Image hosted by Photobucket.com

Meet Glen(oid). Siya ay isang Palm Zire 72s. Ito ang ilan sa pictures na kuha niya:

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com
"The Ring" pic ni Henry

Ito naman ang aking Group 10 Anatomates (+ Louie na siyang kumuha ng pictures):

Image hosted by Photobucket.com
Pretty Posh, me, Brother Stephen, Monette My Ma'mon, Sister Gera

Image hosted by Photobucket.com
Sister & Brother Garcia

Sa kabutihang palad, pumasa ako sa OS 201 at OS 202. Pero natanga ako sa OS 203 lab exam. Siguro, kasama ako sa napapabalitang around 130 na bumagsak. Astig. Hehe.

Ayun lang. Matutulog na lang ako...


(1) orange received... ::


♪♫ Thursday, July 21, 2005 ♫♪
meredith's soul got squeezed at 18:33

sleeeeep!


un be liev a ble

I had 9 hours of sleep last night! (After messing up my OS 201 exam because I wasn't able to read all the transcriptions. Hehe...)

I joined the "SOSYAL!" study group last Tuesday (10 PM-12 MN at Cupajava/12 MN-2 AM at Jollibee - Padre Faura). It's really fun to study with a group pero ang bagaaal ko kasi medyo nakikipagkwentuhan na lang ako. Hindi ako nakatapos mag-aral pero masaya naman. Hehe. Tsaka hindi ka agad aantukin. (Hmmm... How can I pass OS 201 if the MPL is 90/120??? Ayoko na uli ng biochemistry...)

Hi to the SOSYAL-ers: Abe, Alvin, Celeste, Charles, Elaine, ER, Gillian, Henry, Jazel, Justine, Lemuel, Maan, Mabelle, Monmon, Myx, Reci, Sandee, Sheng, and Vidal.

Ilang libong pagsubok pa kaya???


(3) oranges received... ::


♪♫ Monday, July 18, 2005 ♫♪
meredith's soul got squeezed at 18:16

jaded


It's PORING on this side... (by Nickel Creek... Hehe.)

(Ang larawan sa itaas ay isa sa visual aids na iginuhit ko para sa aming OS 203 COME activity sa PGH Rehab ward kung saan nagturo kami ng basic skin, nail, and hair care sa mga bantay ng mga pasyente. Mahal ko ang mga poring. Meron na akong dalawa. Sana dumami pa sila... Malapit na ang birthday ko. Haha. Joke!)

NAKAKAPAGOD MAG-ARAL!!! (And to think na 5++ years pa ako mag-aaral... Good luck...)

Sobrang bilis ng mga bagay-bagay. Hindi na ako gaanong nakakapagbasa ng libro. Puro trans na lang. Haaay... Hindi ko alam kung may natututunan talaga ako. Hindi ko ma-appreciate ang OSI curriculum (at least for now). Oh well, siguro 'pag nasanay na, maaayos din ang lahat. Sana ma-inspire naman akong mag-aral.

At isang malaking himala na nakasama ako sa top __ sa first OS 203 exam (upper extremity anatomy & physiology) kahit na hindi ako nakatapos mag-aral at nagcracram pa ako habang kumakain ng breakfast sa MSU. Thank God, ang bait! Pero ang tanong, mauulit pa kaya iyon? O babagsak na ako sa susunod? Haha. Kailangan ko na mag-aral ng Netter kasi 'yung lab exam ay kabagsak-bagsak. Oh well, basta pumasa, p'wede na 'yun. Tsaka maka-GWA ng 2.0 para marami akong pera. Hehe.

Joketime ang OS 201 histology lab exam kanina. 20 items lang! Pero may electron micrographs na lumabas na totally hindi ko inaral. Nanghula na lang ako at ginawa kong rough endoplasmic reticulum ang sagot sa dalawang magkaibang item. Ye'y, may 1 point ako! Haha.

Mag-aaral pa ako for our OS 201 lec exam on Wednesday. Halos buong Biochem module lang naman 'yun ni Ma'am Nicolas at wish ko lang matapos akong mag-aral. Waaah!!!


(2) oranges received... ::


♪♫ Sunday, July 03, 2005 ♫♪
meredith's soul got squeezed at 11:02

bleep


So, why haven't I been writing an entry here (aside from being tamad)?

A. I'm studying.
B. I'm sleeping.
C. Both A & B. (I'm sleeping while, or when I'm supposed to be, studying. Hehe.)
D. I'm enjoying my (little) free time. (To hell with OSI's so-called study time. Wala namang nag-aaral 'pag study time eh.)
E. All of the above. (Multitasking na ito...)

Grabe. Nakakawindang na ito. Sana mabiyayaan ako ng kasipagan ng aming classmate na si Anne Lim. Hehe.

Ang masasabi ko lang: fronto-ponto-cerebello-dentato-rubro-thalamo-cortical pathway!!! Pero hindi naman 'yan lumabas sa napakahirap na Neuro exam namin. Next up, Derma written and practical exams.

Mag-aaral na ako...


leave an orange... ::


♪♫ Sunday, June 19, 2005 ♫♪
meredith's soul got squeezed at 02:07

kuwentong kunwari


I've just had my first serving of iced coffee for this school year last Thursday (cramming... again). We had our first final exam in HS 201 (Human Health and Wellness) yesterday & it was a big shock. We thought most of the items were going to be essay questions as it had been for Class 2009... but hell, no. It was an 80-item multiple choice exam in which you have to shade the circle (really big circles which stressed me out because we weren't allowed to use pencils) corresponding to the best answer for each item. I think I messed this one up because I didn't pay much attention to details. I just picked out key concepts, hoping that our exam would be like that of Class 2009's. Oh well, whatever. At least, na-internalize ko na ang Alma Ata Declaration ("Go, go, go Alma Ata!" tulad ng motto ni Dr. Cordero). Hehe.

--------------------

Mahirap palang magpanggap na pasyente. We had an activity for HS 201 last Thursday wherein we had to feign different illnesses in order to experience first-hand the health service provided by our government. Dianne and I were assigned to the Bagong Lipunan Health Center in Beata, Pandacan. (Some were designated to the PGH-ER/OPD and most were assigned to various health centers in Manila).

7:30 AM -- Mula sa PGH, sumakay kami ni Dianne ng jeep sa Escoda St. kung saan nakaparada ang mga sasakyan papuntang Paco at Pandacan. Nagtanong ako sa driver kung magkano ang pamasahe. P5.50 din pala kahit na nasa dulo na ng ruta ang pupuntahan (sana) namin. Dahil pareho naming hindi alam ni Dianne ang lugar, tinitignan namin ang mga nadadaanan namin para hindi kami maligaw. Tapos, may sumakay na dalawang babae. Nagbayad 'yung isa at sinabi niyang sa Beata siya bababa...

Ako: Taga-Pandacan po kayo? Alam n'yo po kung nasaan 'yung Bagong Lipunan Health Center?
Ale: (nag-iisip) Ah! Naku, lampas na. Doon sa pinagsakayan namin 'yung health center.

At dahil convincing naman ang ale, bumaba kami ni Dianne ng jeep, tumawid at pumunta sa sinasabi nilang health center. Ngunit... subalit... datapwat... BAGONG BARANGAY Health Center ang pangalan nito. Pero para sigurado, nagtanong na rin kami sa tabi-tabi kung iba nga ba ang health center na ito sa hinahanap namin. At siyempre, nag-end up kami sa isa na namang jeep papuntang Beata...

8:00 AM -- Jeep #2! Blooper talaga. Hehe. Para hindi na maligaw, tinanong ko na 'yung driver kung alam niya 'yung Bagong Lipunan Health Center. Ye'y, alam niya daw! Ang bait pa ni Manong Driver kasi hinatid niya kami sa tapat ng health center kahit lampas na sa ruta niya. Maraming salamat sa kanya!

8:20 AM -- S'yempre, sabay kaming bumaba ni Dianne ng jeep. At dahil nakita na kami, kinailangan na naming magpanggap na magkasama. Pero plinano muna namin ang aming kwento. Bagong lipat kami sa isang apartment sa Beata St., parehong galing sa probinsya, nag-aaral sa PUP at may kursong accounting. (Nag-research pa kami sa eatery sa labas kung anong malapit na university sa lugar nila at nag-offer pa nga ang mababait na residente na ihatid kami sa sakayan kasi akala yata nila naghahanap kami ng school. Pero kung may accounting nga doon, ewan. Hehe.) Kunwari, ako ay may headache at si Dianne naman ay may earache. Tapos pumasok na kami sa health center...

8:30 AM -- Lumapit kami sa information desk at sinabihan kaming bumili muna ng brown envelope at isang sheet ng bond paper bawat isa. May sari-sari store na nagbebenta no'n sa tapat ng health center. P3.00 para sa bawat isa. Bumalik kami sa health center at dito na nagsimula ang pagtatahi-tahi ng kung anu-anong kwento...

BHW: Apelyido?
Ako: Garcia po.
BHW: Pangalan?
Ako: (napaisip ako dahil madalas nagkakamali ang mga tao sa spelling ng Meredith kaya...) Ann po.
BHW: Ann...
Ako: 'Yun lang po. A, double N. (nilinaw ko 'yung mabuti)

Pagbigay sa akin ng patient card na gawa lamang sa ginupit na kahon ng Bonamil, ang pangalan na nakalagay ay...

GARCIA, AN

Hehe. Haaay...

BHW: Magkasama kayo?
Kami: Opo.
BHW: Address?
Ako: 2516 Beata St. po. (nakita ni Dianne na ito ay isang apartment for rent)
BHW: Barangay?
(patay...)
Dianne: Hindi po namin alam eh. Bagong lipat lang po kasi kami.
(nagtanong ang BHW kung kami ay malapit ba sa bakery, lampas sa riles ng tren, atbp. na ang sagot namin sa lahat ay hindi namin alam)
BHW: Dapat naglalalabas kayo para alam n'yo. (sabi ng isa pang BHW ay sa Barangay 838 daw kami kasali)

Muntikan na 'yun ha! Grabe. Buti nakalusot kami. Meron kasi kaming classmates na napalipat sa ibang health center dahil 'yung napili nilang address ay hindi sakop nung health center. Meron ding napakaswerteng ang napili ay address ng BHW! Benta talaga. Hehe. Tapos nagdadatingan na kami in pairs, umabot ng 6 pairs at medyo naghinala na ung mga BHW na parang magkakasama daw kami. Pero hindi naman kami pinaalis at lahat kami ay nakapagpatingin sa doctor doon.

The serious part... Medyo nakaka-guilty 'yung activity kasi parang may sumingit na 12 people (16 in the case of other groups pero 12 lang sa amin dahil may isa pang pair na naligaw sa Bagong Barangay plus 'yung pair na pinalipat sa ibang health center) sa pagbibigay ng health service doon sa mga taong nangangailangan talaga ng medical attention. Pero in-explain naman ni Dr. Galvez Tan na isa daw itong paraan para ma-assess ang health service delivery. Kahit daw siya ay nagpapanggap na mystery patient. (By the way, Dr. Jaime Galvez Tan or Doc Jimmy was a former DOH secretary. Astig kasi naging preceptor din namin siya for our group last Wednesday. Magaling siya talaga! He's into community medicine kaya kahanga-hanga.) Tapos, mabait 'yung doctor doon sa health center. He was so patient in explaining to me the possible reasons behind my supposedly recurring headache with blurring of vision. He wanted to examine my eyes but unfortunately, they didn't have the pertinent diagnostic equipment so he told me to see an ophthalmologist. He prescribed mefenamic acid and cinnarazine to me and I got them for free (10 mefenamic acid capsules & 3 cinnarazine tablets). Gusto ko sana ibalik kaso baka magduda na sila. Pero kinolekta naman namin lahat ng gamot na nabigay sa aming lahat para i-donate sa PGH. Grabe. Naghihirap talaga ang mga Pilipino. Tama ba namang gawing 1.1% lang ang budget allocation for health at 30% for debt servicing? Nakakalungkot talaga...

--------------------

Ang haba-haba na ng entry ko. Kinuhanan ko ng picture 'yung pagala-galang pusa doon sa dorm namin. Nakahiga siya sa sofa kaya hindi na siya nakawala sa digicam ko. Hehe.

"The Flower and the Feline"
Image hosted by Photobucket.com

At ang kaisa-isang picture na kinuha ko na off-center ang subject.

"Euterpe's Melody"
Image hosted by Photobucket.com

Euterpe, the "Giver of Pleasure," is the Muse of music and is represented with a flute.

"Euterpe glanced her fingers o'er her lute,
And lightly waked it to a cheerful strain,
Then laid it by, and took the mellow flute,
Whose softly flowing warble filled the plain:
It was a lay that roused the drooping soul,
And bade the tear of sorrow cease to flow;
From shady woods the Nymphs enchanted stole,
While laughing Cupids bent the silver bow,
Fluttering like fays that flit in Luna's softened glow."


[from "An Ode To Music" by James G. Percival]

deviantART

Speaking of music, hindi na ako sasali sa Med Choir. I'm thinking of joing the Medical Students' Society and/or the Pangkalusugang Samahan ng Mag-aaral instead. Genuine toxicity commences on Monday with the attack (or some other vicious term) of our OS subjects. Hehe.


(5) oranges received... ::

Previous Page Next Page

the squeezed soul

squeeze board

squeeze schedule

squeeze 'em!

want a squeeze?

TDStats.com - Hit Counter & Website Statistics
liters of orange juice squeezed

squeezed by